Sa pagbukas ng pinto ng panibagong yugto ng aking buhay, di ko lubos maisip na magpahanggang ngayon ay kailangan ko nang harapin ang nasa harapan.
Realidad. Katotohang nagaganap.
Suungin ang lalim ng mga bagay-bagay.
Walang kasama, tanging ako lang ang may kakayahan na ito'y harapin. Walang nais tumulong, walang nais mangialam kung kaya't tanging sarili ko lang ang aking panghahawakan.
Matarik ang landasing naghihintay sa akin.
Mas mahirap sa kung ano ang mga naranasan ko noon.
Gusto ko nang sumuko.
Ayoko ng ganito. Naliligaw ako sa sarili kong buhay, sa sarili kong pangarap at teritoryo.
Madilim at masukal ang aking dadadanin.
Walang liwanag at yaong mga matatandang puno lang ang sa aki'y lumiligid.
Tanging iba't ibang huni lang ang nanunuot sa aking mga pandinig.
Walang bakas ng nilalang na maaring makatulong.
Takot.
Ito ang nadarama ko sa ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawing simula.
Naghahanap.
Puno ng tanong ang aking kaisipan .
Nanlalabo ang kaliwanagan ng aking balintataw.
Kung maaari lang na ibalik ang nakaraan ngunit wala.
Ngunit biglang naglinaw ang lahat.
Di pala ako nag-iisa.
Natagpuan ko ang aking liwanag.
Tanglaw sa aking lalakbayin.
Nagkaroon ako ng kausap sa panandalian kong pagtahimik.
Salamat po at Ikaw ay nariyan.
Hindi Mo ako iniwan.