Mga Pahina

Sabado, Marso 30, 2013

Paghakbang sa Pagputok ng Sikat ng Araw


Siguro nga sa tinagal-tagal ng hindi ko pagsusulat ay hinanap na ito ng aking pangangatawan. Hindi ko rin masabi kung paano? Ah, basta! Masaya :)

Tigib ng maraming gawain kaya siguro hindi ako nakapagsulat ng marami.

Sa gitna ng maraming gawain na ito, hindi ko alam kung ano ang dapat unahin.

Siguro dapat yung assignments muna, Wag! bakasyon na lang kaya muna o coffee break, water break? Andami ko palang gustong gawin. Nalilito sa kung ano ang dapat kong unahin.

Sabi kasi nila, maikli lang daw kasi ang buhay. Kaya "Live life to the fullest!" Eh paano yun? dapat kong unahin ang isa, yung mas kailangan, paano na ang tunay na nagpapasaya sa akin?


Mainit ang maglakad sa ilalim ng araw. Mangangamoy pawis ka.
Siguro dapat isa-isahin nating kung ano ang tunay na magpapasaya sayo at ang mga dapat na gawin.

Sa bagay ang buhay nga daw ay isang mahabang paglalakbay. Nasa sa iyo na yun kung paano ka maglalakbay.

Stress ba?
Malungkot?
Magulo.
Masaya

o
Wala lang.


Ang kasiyahan ay ang karanasan, hindi ito ang patutunguhan.


Buti pa ang dagat, tahimik lang.

Tanging ang agos at alon lang nito ang nag-iingay. Hindi lang basta ingay, nagbibigay ng musika. Musikang inaawit ng kanyang sarili.

Tayo? kailan natin pakikinggan ang musika ng ating saloobin? Kailan tayo susunod dito upang makamit ang tunay na kadalisayan at katiwasayan tulad ng sa mga ilog at karagatan? Hindi pa kaya huli ang lahat para tumahimik sandali at pansinin ang ingay sa loob natin?

Ang ingay ng kasiyahan. Ang buhay ay nababatay sa kung paano mo ito dadalhin. Dadalhin mo ba ito sa mala-tsunaming alon o sa kalmado na magbibigay tingin sa kung ano ang nasa ilalim nito.

Huli na ba ang lahat?

Alam ko kaya ko pang pakinggan ito. Hindi pa huli ang lahat.

Magsisimula ako sa paghakbang sa pagputok ng sikat ng araw. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento