Sabado, Hunyo 2, 2012
Ui Salamat ha :)
Ilang oras na ba ang nakakalipas?
Mula ng maghiwalay ang taon ng aking buhay.
Salamat! Sa panibagong taon na maibabahagi ko pa.
Ilang minuto na ba ang nakakalipas?
Mula ng matikman ko ang matamis na buhay.
Salamat! Isa na namang panibagong lakas para lumaban sa mga hamon ng buhay.
Ilang segundo na ba ang dumaan?
Simula nang ako'y ngumiti ng walang kasing wagas.
Salamat! Ako pala ay iyong naalala.
Ui Salamat ha :)
Di mo ko nakalimutan ngayong araw na kay halaga sa aking buhay.
Ui Salmat ha :)
Sa effort na ako ay batiin mapa phone call, txt message, e-mail, tweet at post sa fb timeline.
Ui Salamat ha :)
Sa pagiging bahagi ng buhay ko!
Ikaw ang krayolang nagbigay kulay sa mundo ko.
Kahit lagpas lagpas pa yan masaya na ako. Dahil binahagi mo ang oras mo sa isang katulad ko.
Sa lahat ng mga kaibigan, pamilaya maging sa Poong Maykapal ...
Ui Salamat ha :)
Naging espesyal ang pagdiriwang ko ng aking kaarawan.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento