Mga Pahina

Lunes, Hunyo 4, 2012

Ngayon Matapos ang Kahapon


Sa pagbukas ng pinto ng panibagong yugto ng aking buhay, di ko lubos maisip na magpahanggang ngayon ay kailangan ko nang harapin ang nasa harapan.

Realidad. Katotohang nagaganap.
Suungin ang lalim ng mga bagay-bagay.

Walang kasama, tanging ako lang ang may kakayahan na ito'y harapin. Walang nais tumulong, walang nais mangialam kung kaya't tanging sarili ko lang ang aking panghahawakan.



Matarik ang landasing naghihintay sa akin.
Mas mahirap sa kung ano ang mga naranasan ko noon.
Gusto ko nang sumuko.
Ayoko ng ganito. Naliligaw ako sa sarili kong buhay, sa sarili kong pangarap at teritoryo.




Madilim at masukal ang aking dadadanin.
Walang liwanag at yaong mga matatandang puno lang ang sa aki'y lumiligid.
Tanging iba't ibang huni lang ang nanunuot sa aking mga pandinig.
Walang bakas ng nilalang na maaring makatulong.



Takot.
Ito ang nadarama ko sa ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawing simula.

Naghahanap.
Puno ng tanong ang aking kaisipan .
Nanlalabo ang kaliwanagan ng aking balintataw.

Kung maaari lang na ibalik ang nakaraan ngunit wala.



Ngunit biglang naglinaw ang lahat.
Di pala ako nag-iisa.
Natagpuan ko ang aking liwanag.
Tanglaw sa aking lalakbayin.

Nagkaroon ako ng kausap sa panandalian kong pagtahimik.

Salamat po at Ikaw ay nariyan.
Hindi Mo ako iniwan.

Sabado, Hunyo 2, 2012

Sunday Life

Sunday Life.

Nakakaantok pa. Pano kasi gabi na natulog :D
Matapos ang Saturday Jamming ... Hello Sunday Life naman.
Yung iba jan for sure may hung over pa! haha.

Family Day.

Share your time with them. Makipag-bond!
Ang araw ng linggo ay para sa pamilya.

 OOOPS!

Yayain na din ang pamilya na mag simba ng maaga bago mamasyal.

Alalalahanin Siya, Magpasalamat at manalangin ng taimtim.


At higit sa lahat huwag kalilimutang Ngumiti. Smile :)

Happy Sunday Friend :D

Ui Salamat ha :)


Ilang oras na ba ang nakakalipas?
Mula ng maghiwalay ang taon ng aking buhay.

Salamat! Sa panibagong taon na maibabahagi ko pa.

Ilang minuto na ba ang nakakalipas?
Mula ng matikman ko ang matamis na buhay.

Salamat! Isa na namang panibagong lakas para lumaban sa mga hamon ng buhay.

Ilang segundo na ba ang dumaan?
Simula nang ako'y ngumiti ng walang kasing wagas.

Salamat! Ako pala ay iyong naalala.


Ui Salamat ha :)
Di mo ko nakalimutan ngayong araw na kay halaga sa aking buhay.

Ui Salmat ha :)
Sa effort na ako ay batiin mapa phone call, txt message, e-mail, tweet at post sa fb timeline.

Ui Salamat ha :)
Sa pagiging bahagi ng buhay ko!
Ikaw ang krayolang nagbigay kulay sa mundo ko.
Kahit lagpas lagpas pa yan masaya na ako. Dahil binahagi mo ang oras mo sa isang katulad ko.

Sa lahat ng mga kaibigan, pamilaya maging sa Poong Maykapal ...
Ui Salamat ha :)

Naging espesyal ang pagdiriwang ko ng aking kaarawan.