Mga Pahina

Linggo, Abril 1, 2012

Karunungan ka di ba?? IKAW NA!


Karunungan ka???? Yabang...Ganyan naman yan eh...di na namamansin kasi sanay nang isulat sa papel ang section nyang KARUNUNGAN!

ANG YAYABANG!! Eh kasi SECTION 1 ~ >:)

Ouch.

Totoo di ba? simula ng malipat ako sa seksyon one nung ikalawang taon, marahil ang mga katagang yan na ang nais kong burahin sa mundong ibabaw. Eh ano ngayon kung seksyon one? pareparehas lang naman tayo gumagamit ng papel, hindi naman ginto ang tinta ng bolpen namin. Yung teacher nyo nga mas favorite pa kayo kesa samin!

Sa bagay hindi ko rin kayo masisisi.. Eh Karunungan kami eh?

Hindi naman kasi to tungkol sa academic performance ng mga mag aaral. Ipinagmamalaki ko lang at ipinag papasalamat na AKO ay napadpad sa isang MASAYANG PAMILYA!



Yan ang Karunungan: Isang Masayang Pamilya.
Sila ang mga kasamang hindi nakaka umay kahit sila ay umay na umay na sa akin. Masayahin pa rin kahit na halos low blood na at nangangawit na ang batok kakapuyat gabi-gabi, may energy parin.
Dumating pa kani sa punto na natikman namin ang unang itlog sa quiz booklet at kani kanyang labas din ng usok sa bawat butas ng katawan nila. Hayyy ewan, hanggang sa dumating na lang kami sa mga eksenang ..

"Zero ka teh??"

" Of course YES! "

Yan ang Karunungan: Basagan
Yung mga tipong nasa punto na kayo ng pinag uusapan tas sesegue ang isa. Wa Kwents naman.
Kaya kami mapapasabi na lang ng ..

" WEEEEH ??? "

o pag talagang korni ..

" NGANGA! "



Yan ang Karunungan: Madiskarte!
Ewan ko ba..siguro mashado lang talaga kaming fb addict kaya lahat ng forums, echos at mga formats ng requirements lahat nakapost. Aabot pa yan sa puntong magiging chat box na ang comment box kahit Irrelevant na ang topic sa naka post. May mga pangyayari pang nilike nila ang isang reminder na dalhin ang workbook pero pag dating ng kinabukasan siya pa ang nakalimot. Teka ako to ah!



Ah basata going back.

Eto na lang siguro ang masasabi ko sa aking mga family members..ang 4444444444Karunungan!

Maramimng salamat sa lahat. Alam nyo hindi ako makasusulat sa mga blog ko kung hindi dahil sa inyo. Kayo ang bumuo ng buhay hayskul ko. Salamat sa mga karanasang sa inyo ko lang nakita. Sa mga pagdamay na alam kong bukal sa inyong mga puso. Sa mga taong hiningahan<yuck> este hiningian ko ng mga tulong at payo na bumuo sa personang ito. Sorry nga pala ah.. sa bunganga ko, pag iingay, pagkikwento ng malakas at pag iirita sa inyo. Sana balang araw kapag nagkita tayo maalala nyo ako bilang Jude na.. Ay Masayahin yan, Pala kaibigan yan at hindi ang " Ay nakuu...shawy yan!". hahaha

Hayyy naku natalo ko pa ang mga lumilikha ng mga nobela sa watt pad sa haba nito..Pero sana mahal kong karunungan, patuloy pa rin tayong magmahalan at maging isang masayang pamilya kahit tayo ay pinaglalayo ng anu mang pangyayari sa ating buhay.

http://www.youtube.com/watch?v=sZxnPmUtSx0

SALAMAT KARUNUNGAN!!! Mahal ko kayong LAHAT :)

Karunungan ka di ba?? IKAW NA!
Saludo ako sa yo Kaibigang tunay :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento