Mga Pahina

Huwebes, Marso 29, 2012

Katapusan !?

KATAPUSAN-- marahil marami sa atin ang hinihintay ang pagkakataong ito. Masaya??? OO, para sa iba ngunit kung susumahin lahat ng mga pangyayaring nagaganap sa lipunan kasagutan ito para matugunan ang kani-kanilang problema. Aba, nagpapasalamat pa siya dahil katapusan na! Nahalata mo na ba?? Ito ang kiliti ng isang nagtatrabaho na, KATAPUSAN ng buwan. Ito ang araw ng pagsahod nila. Tama! ito nga ang sagot sa kanilang mga problema.

Ngunit para sayo??? ano ang katapusan?

Agaad kong naisip ang salitang PAALAM. Malungkot at lubhang napakasakit isipin ang katapusan. Matapos bumuo ng mga masasayang karanasan bigla nalang papawiin ng isang seremonya. Tama, ang Graduation!

Noon, isa ako sa mga mag aaral na gumagawa lamang ng banner ng CONGRATULATIONS para sa mga magsisipagtapos. Hindi ko lubos maisip na ngayon isa na pala ako sa pinatutungkulan nito. Ako na pala ang magsusuot ng puting toga bukas. Ako na pala ang papalakpakan habang bitbit ang aking diploma. Ako na pala ang kakamayan ng mga pulitiko sa entablado. Masarap isipin noon pero ang mangyari na ang iniisip mo ay nakakapanghilakbot.


Pero bago ang iyakan, nais kong ipabatid sa iyo ang salitang SALAMAT. Sa lahat ng bumuo ng pagkatao ko. Sa iyo na sumuporta sa akin hanggang dulo. Sa lahat ng mga kaibigan kong minahal ako. Sa lahat ng mga guro kong sumubaybay sa paglalakbay ko. Hinding hindi ko malilimutan maski ang paaralang sumaksi sa pagkatao ko at pagbuo ng mga masasayang pangyayari ksama kayo.


Tanaw ko na nga ang katapusan. Sana balang araw, pag nakasalubong kita, mabunggo o matapakan sa daan. Hindi mo pa rin ako makakalimutan.

CONGRATULATIONS Batch 2012 :)

1 komento: