Mga Pahina

Biyernes, Marso 30, 2012

Ungol ng Isang Asong Bulol!

Anong reaksyon mo kapag nakadarama ka ng pagod?? Syempre masakit ang katawan...nagugulumihanan...umiiyak...nagwawala!

Nakaranas ka na ba ng isang matinding pagod???yung tipong lantang lanta ka na pero kailangan mo pa ring tapusin ang iyong ginagawa. Puyat, pagod, gutom...lahat na ng SAKIT dama mo!


Ang pangit pala pag pagod ka noh??? Awwww....aw..aw.

Eh bakit pag may kasama ka hindi ka napapagod??Ay sus! kina-kaya para hindi mapahiya.

Nakakaranas tayo ng iba't ibang pagod sa buhay. Lalo na sa ating mga mag-aaral na talagang bugnog sa kung anu-anog requirements at gawain. Dagdag pasakit pa pag magpapagawa si klasmeyt. Pero kung iisipin, para kanino ba yang tinatrabaho mo? malaking ironya kung sasabihin mong sa srili mo dahil likas sa ating mga tao ang gumawa para sa kapwa. Yung tipong pauunahin muna ang iba bago ikaw. Pero malala ka na kung lagi ong inuuna ang sarili mo sa lahat lahat at kung anu anong bagay.

Awww...aw...aw.

Kung iisipin, ang pagod ay isang pisikal na reaksyaon ng katawan at hindi ng damdamin. Maling sa bihin na napapagod ka ng magbigay, magmahal o kung anu ano pang may konek sa nadarama mo. Aba! talagang mapapagod ka dahil iniisip mo na pagod ka--pisikal man o emosyonal!

STRESSED?? Try mo ang magpahinga kasama ang iyong mga kaibigan.

Ito ang natutuan ko sa 4 na taong pag aaral sa hayskul.. Kapag pagod...wag kang maging alone o ANTI SOCIAL! bumuo ka ng mga karanasang magbibigay sayo ng lakas. Lakas ngumiti, tumawa at makipakwentuhan. Ayan ang magnet na hahalina sayo na tumambay kasama sila.

Ngunit kung tapos na ang oras na kayo ay magkakasama. OO, uungol sa sa kalumbayan pero alam ko paglipas ng panahon, kami kami pa rin ang SABAY SABAY UUNGOL dulot ng kaligayahan ng muling pag sasama-sama.

SALAMAT SA IYO AKING KAIBIGAN! ang nagturo kung paano pawiin ang hapsi ng sakit ng paghihiwalay at sakit ng paglisan.


Huwebes, Marso 29, 2012

Katapusan !?

KATAPUSAN-- marahil marami sa atin ang hinihintay ang pagkakataong ito. Masaya??? OO, para sa iba ngunit kung susumahin lahat ng mga pangyayaring nagaganap sa lipunan kasagutan ito para matugunan ang kani-kanilang problema. Aba, nagpapasalamat pa siya dahil katapusan na! Nahalata mo na ba?? Ito ang kiliti ng isang nagtatrabaho na, KATAPUSAN ng buwan. Ito ang araw ng pagsahod nila. Tama! ito nga ang sagot sa kanilang mga problema.

Ngunit para sayo??? ano ang katapusan?

Agaad kong naisip ang salitang PAALAM. Malungkot at lubhang napakasakit isipin ang katapusan. Matapos bumuo ng mga masasayang karanasan bigla nalang papawiin ng isang seremonya. Tama, ang Graduation!

Noon, isa ako sa mga mag aaral na gumagawa lamang ng banner ng CONGRATULATIONS para sa mga magsisipagtapos. Hindi ko lubos maisip na ngayon isa na pala ako sa pinatutungkulan nito. Ako na pala ang magsusuot ng puting toga bukas. Ako na pala ang papalakpakan habang bitbit ang aking diploma. Ako na pala ang kakamayan ng mga pulitiko sa entablado. Masarap isipin noon pero ang mangyari na ang iniisip mo ay nakakapanghilakbot.


Pero bago ang iyakan, nais kong ipabatid sa iyo ang salitang SALAMAT. Sa lahat ng bumuo ng pagkatao ko. Sa iyo na sumuporta sa akin hanggang dulo. Sa lahat ng mga kaibigan kong minahal ako. Sa lahat ng mga guro kong sumubaybay sa paglalakbay ko. Hinding hindi ko malilimutan maski ang paaralang sumaksi sa pagkatao ko at pagbuo ng mga masasayang pangyayari ksama kayo.