Marunong mamili
Marunong bumatikos
Marunong mag-isip
Naniniwala ako na hindi naging tanga si Juan
Marunong kumilatis
Marunong mangatwiran
HINDI IPINAGBIBILI NI JUAN ANG KANYANG BOTO!
Sa dinami-rami nang pagpipiliang itlog
Alam kong iitiman ni Juan kung ano ang hindi mga bugok.
Mga FRESH, MABANGO, Walang CRACK at MAPUPUTING itlog ang kanyang pinipili
Sumasalamin sa metikulosong pamimili ni Juan
At bago pa madampian ng tinta ng karapatan ang hintuturo nito
Alam niya ang pagbabago na magagawa nang hindi niya pagbebenta ng sagrado niyang boto
Lalong lalo na batid ni Juan
na Dapat Tama!