Mga Pahina

Huwebes, Mayo 31, 2012

Balik Eskwela


Hala. Natapos na naman ang bakasyon.
Whats new? Edi Welcome back to school na.

Yung iba tinatamad pa kahit ako din. Haha :)



Kasabay ng masayang pagbubukas ng eskwela ay ang pagiging bukas din sa sandamakmak na requirements at assignments. Ay sus! okay lang yan :) Investment yan. Lahat ng mag aaral dumanas nyan.
Pero aminin... namiss mo din yan nung bakasyon :)


School Days :)

Siguro ito ang kumakain ng pinakamalaking oras sa isang taon ng mga estudyante. Nasa sa iyo kung paano mo ito pagugulungin.

Masaya ba.
May onting tampo
O subsob sa trabaho

Masaya ang buhay ng isang mag aaral. Sure yan! :)



Maka a move. Huwag kang mahiya.

Sa loob ng klasrum eh may iba ibang mukha ka talagang makakasalamuha. Batiin mo! Makipag kaibigan ka. Tandaan sila ang bubuo ng School Days mo. Hindi lang naman yan kasi iikot sa papel, bolpen at lapis. Makijoin ka at maki interact :)

Oh ayan! June na. Simula na ng countdown sa pasukan. Handa ka na ba? Sana.

Wag mo palang kalimutang mag smile :D
para masaya :)

Martes, Mayo 15, 2012

Mag Refresh Tayo!

Mainit. Syempre summer!

Ilang linggo na rin ang nakakalipas nang ipakita ng Nestea ang bagong commercial nito. To be honest, na inlove talaga ako sa video na to. May ibang dulot siya sa tenga ko kapag napapakinggan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang gumagaan ang kalooban ko kapag naririnig ko kahit na yung kanta lang ng TVC.


Ayon sa aking pagkakaunawa, mayroong tatlong mensahe ang TV Commercial na ito.

Una: I-Refresh ang katawan!

Tama! sa sobrang init ba naman ng summer na ito sino ang gustong manggitata sa pawis? Sino ang gustong manlagkit sa ilalim ng araw? Di ba wala. Pinapaalala lang nito na kailangan nating i-refresh ang katawan upang maibsan ang sobrang init na ating nararamdaman.

Pangalawa: I-Refresh ang Isipan!

Dahil na rin sa kainitan ng panahon madalas nasasabayan ng mainit na ulo! tsk. tsk. Relax lang. Dala na rin siguro ng matinding sikat ng araw ang mga sari-saring pumapasok sa isipan. Kaya hindi lang pala natin dapat irefresh ang katawan idamay mo na rin ang kaisipan para tayo ay hayahay! Haha.

Pangatlo: I-refresh ang Pananaw!

Siguro mayroon na rin itong koneksyon sa pangalawa. Kung refreshed na ang isipan tiyak pati ang pananaw sa buhay magiging maaliwalas. Ang iba laging sinisisi ang init sa kung ano ang nararamdaman nila. Teh! baka summer ngayon?? minsan nawawala kasi tayo sa tamang pag iisip. Naghahanap ng wala! kaya tayo naloloka. Tulad ngayon! Summer. Mainit. Naghahanap ka ng bagyo na kasing lakas ng nararamdaman mo tuwing Hulyo? Ay nako! nakakabaliw nga yan. Summer pa lang teh! Malamang mainit. Kung uulan, ambon lang. Eh ganyan talaga ang buhay.



Sa twing makikita mo ang TVC na yan, sana maalala mo kung ano ang gustong iparating nito. Mag refresh! Kapag ang computer nga bumabagal ni rerefresh mo ikaw pa kaya? Try mo. At siguradong hihiyaw ka sa saya!

Have a Happy Summer Friends :)